Tuesday, October 26, 2004

OBSESSED

by: Duke Xander

Mula sa sandaling ikaw ay masilayan
Di na kita maalis sa aking isipan

Kahit saan lumingon ang aking mga mata,
Iyong kagandahan ang laging nakikita,
Sa bawat pagkakataong walang ginagawa,
Ikaw ang pumapasok sa aking gunita

Iyong alaala ang sa aki'y nagpapangiti
Ikaw ang kasamang kumakain sa bawat tanghali
Ikaw ang hanging kausap ko habang papauwi
Ikaw ang malambing na unang kayakap at katabi

Bawat linggo, ating pagkikita ang hinihintay
Kahit makita kang masaya sa kanyang mga kamay
Kasama ang alikabok at mga dahong nakikiramay,
Ako'y naririto't habang buhay na maghihintay

Sa tuwing pagkakataong tayo'y nagkakabati
Sa bawa't pagkakataong tayo'y magkakatabi
Hiling ko sa itaas, tumigil sana ang sandali
Mapatagal lang ang pagtitig ko sa iyong mga labi,

Maaninag lang ang mga mata mong marikit
Makita ko lamang ang iyong mga ngiti,
Aking lungkot ay kaagad na napapawi
Kahit na ang ngiting iyo'y hindi para sakin

Sana'y pinagtapat na ang tunay kong damdamin
Sana'y di nag antay na ako'y iyong mapansin
Sana'y di na ako naghintay at humiling
Sa perpektong pagkakataong di dumating

Sa bawat paalam na iyong ibinigay,
Tinatago ko sa ngiti, ang lungkot na taglay
Sa bawa't saglit na tayo'y nawawalay
Ako'y nanghihina't unti-unting namamatay

Isang pangitain ang hindi ko maharap
Dinarama kong t'wina, na ang aking hanap-hanap
Ang madama ang iyong mainit na yakap
Ay isa lamang walang hanggang pangarap

1 Comments:

Blogger Duke Xander said...

Secret... hehehe...

7:30 PM, November 02, 2004  

Post a Comment

<< Home